|
Excerpts of then Senator Joseph Estrada’s exposé on jueteng
“Kumikita sa Central Luzon ng mula P3 milyon hanggang P3.5 milyon net araw-araw, at sa Metro Manila naman ang gross collection ay
umaabot sa P30 milyon araw-araw mula sa sugal na jueteng. Sa halagang ito, numeneto ang mga operators ng mula P9 milyon hanggang P10 milyon bawat araw-araw.
“Sa lalawigan ng Isabela, ayon kay ex-Governor Faustino Dy, laganap ang jueteng sa 37 bayan at ang kinikita ay humigit-kumulang sa P10 milyon araw-araw.
Ang mga pangunahing operators dito ay isang nagngangalang Miranda sa Santiago at Agustin Roxas, hanggang Cagayan. Sa laoag, Ilocos Norte, tatlong beses isang
araw kung bolahin ang jueteng. Ang kinikita sa isang bulahan ay umaabot ng P100,000. Ang mga pangunahing operators dito ay sina Bong Pineda at Tony Santos.
“Sa Metro Manila naman, G. Pangulo Salonga, na kung saan ay kumikita ng mula sa P9-10 milyon araw-araw ang nasabing mga ilegal na pasugalan, ito ayon sa aking
ipinagawang pananaliksik, ay kontrolado ng ilang mga operators gaya nina Tony Santos ng Marikina, Cezar Reyes ng Makati at isang Teodoro Marquez na ang palayaw
ay Texas. Ang operasyon ng mga ito ay hindi lamang sa mga bayan at mga lungsod ng Metro Manila kundi laganap din sa Rizal, Laguna, Quezon, Batangas, Mindoro at sa
Bicol. Ang isang operator na walang pakundangan magpalaro ng mga ilegal na sugal ay si Otsok na balita ay isang pulis-Maynila.
“Maliban sa jueteng, mayroon pang sugal na kung tawagin ay hi-lo. Ang kinalalagyan ng mga ito ay mga sumusunod: Roxas Boulevard, Pasay, sa Bayside Club at Papillon,
Madison Square at New York na hawak nina Atong at Otsok sa Roxas Boulevard din; ngunit sa bayan naman ng Parañaque ay nasa Amihan at hawak din ni Atong.
Sa Libertad, Pasay, ang hawak ni Atong ay nasa Sariling Atin, Ride On Disco, Joy’s Disco at Sta. Rosa Disco na nasa Taft Avenue naman.”
from the report “Erap did a Chavit in 1987”, The Sunday Paper, November 19, 2000
|
FLASHBACK TO 1987. Then a neophyte senator, Joseph Estrada
delivered his first privilege speech targetting the illegal numbers game, jueteng. In his exposé, Erap detailed how jueteng operations rake in
millions and millions of pesos and even named every jueteng lord involved in the illegal gambling operations in Central Luzon and Metro Manila. His repeated
mention of the name “Atong” in his speech—which Gov. Luis ‘Chavit’ Singson confirmed to be no less than Charlie ‘Atong’ Ang—ought not escape scrutiny in
his impeachment trial in the Senate. [courtesy of The Sunday Paper]
|